Bubuksan na sa publiko ang isang bahagi ng Cavite Laguna Expressway sa darating na Undas.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang bahagi mula Mamplasan hanggang Silang Tagaytay road pa lamang ang pwedeng madaanan.
Sa 2020 pa anila mabubuksan ang buong daanan na siyang magduduktong sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Cavite Expressway (CAVITEX).
Inaasahan namang sa Disyembre ay bubuksan na ang Skyway na magdudugtong sa SLEX at North Luzon Expressway (NLEX).
Samantala, ilang highways at expressways naman ang inaasahang mabubuksan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.