Nagtapos na sa kolehiyo ang actor at Bise Gobernador ng Cavite na si Jolo Revilla.
Si Jolo ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines.
Present sa nasabing okasyon , ang ina ni Jolo na si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla at kapatid na si Gianna Revilla.
Habang hindi naman nasilayan sa graduation ni Jolo ang girlfriend nito na si Jodi Santa Maria.
Hindi na nabanggit ng Vice Governor ang dahilan kung bakit bigong makarating sa isa sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay ang kasintahan na si Jodi.
Samantala inalay naman ni Jolo ang kanyang tagumpay sa pag-aaral sa kanyang ina at advanced father’s day gift raw niya ito sa ama niyang si dating Senador Bong Revilla.