Sinalubong ng taas singil sa toll fee ang mga motoristang dumaraan sa Manila Cavite Toll Expressway (CAVITEX).
Kasunod na rin ito nang pagsisimula ngayong araw na ito ng dagdag singil ang pagdaan sa CAVITEX kung saan 33 na mula sa dating 25 pesos ang toll fee sa class 1 vehicles, 67 mula sa 50 pesos ang class 2 vehicles at kinse pesos naman ang itinaas sa dating 75 pesos na singil para sa class 3 vehicles.
Binigyang diin ng CAVITEX na inaprubahan ng toll regulatory board ang 2011 at 2014 Contractual Tariff Adjustment Poll Petitions.
Kaugnay nito, dinagsa ng reklamo ang taas singil kung saan ilang motorista ang nagsabing mag a adjust na rin lang sila ng budget o kaya naman ay magbu bus na lang sila papasok sa kanilang mga trabaho.