Nakabawi ang Cleveland Cavaliers sa Game 5 ng NBA Finals kontra Golden State Warriors sa kabila ng homecourt advantage ng defending champion.
Nasungkit ng Cleveland ang kanilang ikalawang panalo matapos pataubin ang Warriors sa score na 112-97 upang ipako sa 3-2 ang kartada ng best of seven series.
Muling pinangunahan ang Cavaliers nina Lebron James at Kyrie Irving na kapwa kumamada ng 41 points para maka-usad ang team.
Abot kamay na sana ng Golden State ang kanilang ikalawang kampeonato subalit lumaki ang kalamangan ng Cleveland sa 15 puntos sa unang bahagi ng 4th quarter.
Babalik ang dalawang koponan sa homecourt ng Cavaliers sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio sa Sabado.
By Drew Nacino