Pansamantala munang hindi makakalaro ang Cleveland Cavaliers power forward na si Kevin Love matapos isailalim sa seven days quarantine isolation makaraang maexpose sa isang nagpositibo sa COVID-19.
Hindi naman nabanggit kung nagpositibo sa COVID-19 si Love na isang off bench player ng Cavs na may average na 9.9 points at 7.3 rebounds at may average career-low na 20.7 minutes sa kada game.
Nabatid na sa panuntunan ng NBA, ang mga fully vaccinated na manlalaro ay hindi na dapat sumailalim pa sa quarantine isolation sa halip ay isailalim na lamang sila sa COVID-19 testing. — sa panulat ni Angelica Doctolero