Hindi masu suspindi si Cleveland Cavaliers forward Kevin Love dahil sa pag alis sa bench sa kasagsagan ng overtime play sa game 1 ng NBA Finals kahapon.
Sinasabing nawala sa bench si Love habang nasa kainitan ng pagtatalo sina Draymond Green ng Golden State Warriors at forward ng CAVS na si Tristan Thompson.
Bumalik naman sa bench si Love samantalang ejected si Thompson na itinabig ang bola sa mukha ni Green.
Umayos ang sitwasyon nang bumalik sa locker room si Thompson matapos ang flagrant 2 call at ang nasabing Cavs forward ay maaaring masuspindi dahil sa kaniyang papel sa kaguluhan.
Samantala, hindi nawawalan ng pag-asa ang Cleveland Cavaliers na matatalo ang Golden State Warriors sa NBA Finals.
Sa kabila ito ng pagka panalo ng Warriors sa game 1 ng NBA Finals kahapon.
Inamin ni Cavs Head Coach Tyronn Lue na nakapag move on na sila sa aniya’y masaklap na pagkatalo nila sa game 1 subalit pina plano na nila ang kanilang game plan para magtagumpay sa game 2 hanggang mapasakamay ang kampyonato.
Sinabi ni Lue na may blue print na sila kung paano tatalunin ang Warriors.