Tuluyan nang nakausad sa National Basketball Association (NBA) Finals ang Cleveland Cavaliers.
Ito’y matapos sikwatin ang ika-apat na sunod na panalo laban sa Atlanta Hawks sa Eastern Conference Finals sa score na 118-88.
Kumamada si Lebron James ng 23 points para sa Cleveland habang nagdagdag naman si JR Smith ng 18 points.
Pinangunahan naman ni Jeff Teague ang Atlanta sa pamamagitan ng kanyang 17 points.
Makakaharap ng Cavaliers sa NBA Finals ang mananalo sa pagitan ng Houston Rockets at Golden State Warriors sa Western Conference Finals.
By Jelbert Perdez