Nakabawi ang Cleveland Cavaliers mula sa kanilang tatlong (3) sunod na pagkatalo dahilan upang mapako ang team sa ikatlong puwesto ng Eastern Conference Division ng 2017 – 2018 NBA Regular Season.
Sa pagkakataong ito ay ibinaon ng Cavaliers ang Portland Trail Blazers sa iskor na 127 – 110 sa homecourt ng Cavs sa Quicken Loans Arena, Cleveland, Ohio.
Natagisan ng lakas ang dalawang all – star guards na si Damian Lillard ng Blazers at Isaiah Thomas ng Cavaliers.
Bagaman 17 puntos lamang ang pinakawalan ni Thomas habang 25 puntos ang iniambag ni Lillard, nasa Cavs pa rin ang huling halakhak.
Hawak na ng Cleveland kartadang 25 – 12 habang nasa ika – pitong (7) puwesto ang Portland sa Western Conference Division sa standing na 19 – 18.