Bigong matupad ang birthday wish ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na magdiwang ng kaniyang kaarawan bilang House Speaker.
Ito’y matapos tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sigalot para sa naturang posisyon.
Sinabi kasi ni Cayetano na nais pa sana niyang mag-birthday bilang house speaker sa October 28.
Ngunit pinalagan naman ito ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at sinabing kaarawan na rin niya sa November 9.
Magugunitang sinubukan pa ng mga kaalyado ni Cayetano na panatilihin ito sa pwesto at huwag nang tuparin ang “gentleman’s agreement” dahil madidiskaril umano ang pagpasa ng budget sa 2021.