Sadyang desperado si dating House Speaker Alan Peter Cayetano para manatiling relevant o pag-usapan ng publiko.
Ayon ito kay House Deputy Speaker at Buhay Party-list Representative Lito Atienza matapos sabihin ni Cayetano na hinarang ni House Speaker Lord Allan Velasco ang imbestigasyon hinggil sa mga umano’y tiwaling kongresista.
Sinabi ni Atienza na ang nasabing pahayag ni Cayetano ay taliwas sa hamon ni Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na kasuhan ang mga kongresistang iniuugnay sa umano’y katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) projects kung may ebidensya ang mga ito.
Una na ring inihayag ni Cayetano na isinusulong nina Defensor at Bulacan Congressman Jose Antonio Sy-Alvarado na kaniyang mga kaalyado ang imbestigasyon sa mga kumukubra umanong kongresista sa DPWH projects.