Hindi pabor si dating speaker at Taguig Representative Alan Peter Cayetano na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Maaari kasi aniyang maapektuhan umano ang mga mabuting nagawa ng pangulo kung magpapatuloy ito sa susunod na administrasyon.
Ang naturang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng resolusyon na ipinasa ng national PDP-Laban na hikayatin si Pangulong Duterte na tumakbong vice president sa susunod na eleksyon.
Aniya, kung manalo man ang hindi inendorsong pangulo ni Pangulong Duterte ay posibleng mag-away ito sa mga panuntunang ilalatag.
Magugunitang si Cayetano ang kandidatong bise presidente ni Duterte noong 2016 elections na natalo.
Samantala, pinag-iisipan pa ni Cayetano kung tatakbo itong pangulo sa susunod na halalan.