Handa umano si House Speaker Alan Peter Cayetano na tapusin ang kaniyang termino bilang lider ng Kamara hanggang matapos ang 18th Congress.
Ito ay ayon kay Cayetano kung hihilingin ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa kaniya na ipagpatuloy na ang termino bilang lider ng Kamara pagkatapos ng 15 buwan.
Sinabi ni Cayetano na tiwala naman siyang makakaya niyang mamuno ng ilang pang buwan kung pagtitiwalaan siya ni Velasco.
Gayunman tiniyak ng opisyal na kaniya pa ring kinikilala ang naunang kasunduan na term-sharing kay Velasco at wala umano siyang dapat ikabahala rito.
Sa ilalim ng term sharing agreement, pamumunuan ni Cayetano ang Kamara sa unang 15 buwan ng 18th Congress habang si Velasco naman ang mamamahala sa natitirang 21 buwan.