Hinamon ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo na idetalye ang mungkahi nito sa usapin ng kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Cayetano, mas makabubuti kung ilalatag muna ng pangalawang pangulo ang kanyang mga programa sa war on drug tulad ng sinasabi nitong health-based approach bago punahin ang pamamaraan ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Cayetano, madali lang ang magsalita at maging kritiko gamit ang mga mabubulaklak na salita.
Sinabi ni Cayetano, enforcement ang kinakailangan sa war on drugs sa Pilipinas dahil sa dami ng mga users na gumagamit ng shabu.
Hindi aniya ito tulad sa ibang bansang gumagamit ng health based-approach sa pagtugon sa iligal na droga kung saan mga organic type na droga gaya ng marijuana, morphine at cocaine sikat sa mga drug users doon. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)