Hindi ikinabahala ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibi–veto nito ang ilang bahagi ng panukalang batas na mag papalawig ng validity ng 2019 national budget sa susunod na dalawang taon.
Ayon kay Cayetano, tatanungin nila ang Department of Finance at Department of Budget and Management dahil para sa kanila naman sakaling maaprubahan ang naturang panukalang batas.
Ngunit aminado si Cayetano na kung hindi ito gusto ng pangulo at ibi-veto lamang ay wala na ring saysay na ipasa pa ito.
Parehong naipasa sa Senado at Kamara ang panukalang batas na naglalayong palawigin ang maintenance at other operating expenses at capital outlay portion ng mahigit P3T budget para sa 2019 para mai-address ang delay sa government spending at implementasyon ng program ng pamahalaan.