Hindi pinapaboran ni Senator Allan Cayetano ang impeachment complaint laban sa dalawang (2) pinaka mataas na lider ng bansa.
Sinabi ni Cayetano na ito ay dahil isa itong prosesong pulitikal na hindi naman kailangan ng bansa sa panahong ito.
Mas mainam aniya, kung tututukan nalang ng pamahalaan ang pagsusulong ng mga programang magpapaunlad sa bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senator Allan Cayetano sa panayam ng DWIZ
LP President kumpiyansang mababasura ang impeachment complaint vs VP Robredo
Kumpiyansa si Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan na mababasura lamang ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Pangilinan na walang basehan ang naturang reklamo at siguradong mananaig ang katotohanan sa usapin.
Binigyang diin ni Pangilinan na maliban sa hindi impeachable offense ang malayang paglalahad, wala rin aniyang kuwestyonable sa paglalabas ng Bise Presidente ng video message.
Pagtalakay sa impeachment complaint vs Duterte sisimulan na sa susunod na linggo
Sisimulan na ng House Committee on Justice ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa susunod na linggo.
Sinabi ni Committee Chairman Rey Umali na ito matapos mapagkasunduan na gagawing prayoridad ng komite ang pagtalakay sa reklamong inihain ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano.
Bagamat tiniyak na dadaan sa tamang proseso ang reklamo, sinabi ni Umali na maari aniyang mabalewala ito dahil sa dami ng miyembro ng super majority.
By Katrina Valle |With Report from Cely Bueno