Hinimok ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Inter Agency Committee on Anti Illegal Drugs (ICAD) na maging bukas sa mga panukala ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Cayetano si Robredo bilang co-chair ng ICAD ay may kapangyarihang mag rekomenda ng solusyon at magbigay ng guidance para masawata ang iligal na droga kayat dapat na pakinggan din ito.
Sinabi pa ni Cayetano na dapat magtulungan ang ICAD at si Robredo para maging matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga.
Hinamon din ni Cayetano si Robredo na maglatag na ng kaniyang mga plano at programa sa ICAD para maging malinaw din sa lahat ng mga miyembro ng komite ang strategy niya para malabanan ang iligal na droga sa bansa.—ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)