Nagsorry si House Speaker Alan Peter Cayetano kay Senate President Vicente Sotto III matapos niyang isisi sa senado ang posibleng delay o pagkakaroon ng re-enactment ng budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Cayetano humingi siya ng pasensya kay Sotto kung iba ang dating dito ng kaniyang naging pahayag dahil ang sinasabi niya lamang ay sakaling magkaroon ng re-enactment sa budget hindi ito manggagaling sa kamara na kayang aprubahan ang budget sa loob lamang ng isang araw.
Nilinaw ni Cayetano na ang sinasabi niya sa kaniyang naunang pahayag ay na delay ng 1 buwan ang submission sa kanila ng budget na hindi naman kasalanan ng DBM o ng executive dahil nagkaroon nga ng COVID-19 pandemic kaya’t maraming assumptions ang binago.
Kayat sa halip na sisihin nila ang executive binilisan na lamang aniya nila ang pagkilos at nakaabot naman sila sa tamang oras.