Mananatiling bukas pa rin ang kamay ng bagong House Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para sa dating katunggaling si Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano.
Ayon kay Velasco, inalok na niya si Cayetano upang maging isa sa mga deputy speakers ng Kamara o hindi kaya’y maging chairman ng isang congressional committee.
Tiwala si Velasco na sa kabila ng naging girian nila ni Cayetano ay karapat-dapat pa rin itong magkaroon ng posisyon lalo’t nagsilbi naman itong speaker ng mababang kapulungan.
Tiniyak din ni Velasco na walang magagalaw sa mga deputy speakers at committee chairman hangga’t hindi pa bumabalik ang sesyon ng kamara hanggang sa susunod na buwan.