Inimbitahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si Iceland Foreign Minister Gudlaugur Thor Thordarson na bumisita sa Pilipinas upang personal nitong makita ang human rights situation sa bansa.
Ginawa ni Cayetano ang hakbang matapos manawagan si Thordarson sa United Nations na siyasatin ang aniya’y talamak na human rights abuses at extrajudicial killings sa bansa dahil sa pinaigting na laban kontra droga ng administrasyong Duterte.
Tiniyak naman ni Cayetano na magbabago ang pananaw ni Thordarson kapag nakabisita na ito sa Pilipinas.
Magugunitang nanawagan si Thordarson sa pamahalaan na payagan si UN special rapporteur Agnes Callamard na dumalaw sa bansa nang walang limitasyon.