Ipinagtanggol ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang itigil ang mga gaming activity ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa umano’y talamak na kurapsyon.
Ayon kay Cayetano, tiyak na may matinding impormasyon na hawak ang pangulo kaya’t ganoon na lamang ang naging desisyon nito.
Hindi aniya mag-uutos ng ganung hakbang si Pangulong Duterte kung hindi “substantial” ang kurapsyon sa ahensya.
Gayunman, sinabi ni Cayetano na hindi naman hahayaan ng pangulo na malagay sa alanganin ang public service ng PCSO.