Nagsilbing tulay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano para muling maayos at mapatatag ang relasyon ng Pilipinas at European Union.
Ito ay matapos na magpatawag ng luncheon si Cayetano sa mga opisyal European Union sa tanggapan ng DFA sa Pasay City.
Sinabi ni Cayetano na mayroong maayos na relasyon ang bansa sa EU ngunit bahagya itong nagkaroon ng problema sa ngayon.
Sa naturang meeting ay nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan ang ilang mahalagang isyu na naglalayong maibalik ang dating relasyon ng bansa sa EU.
Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ang Pilipinas ng anumang tulong pinansyal mula sa EU dahil sa pakikialam nito sa isyu ng human rights sa bansa.
By Rianne Briones
Cayetano naging tulay para muling maayos ang relasyon ng PH at EU was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882