Namigay ng tig-P10,000 ayuda si dating House Speaker at kasalukuyang Taguig Congressman Allan Peter Cayetano.
Sa isang pahayag, sinabi ni Cayetano na ang kanilang binigyang tulong ay mga pilipinong totoong nangangailangan ng tulong dahil sa hagupit ng COVID-19 pandemic.
Katuwang ni Cayetano ang kapwa mambabatas sa grupong balik sa tamang serbisyo (BTS) at namahagi Batangas, Bulacan, Taguig, Marikina at iba pang mga lugar na pinuntahan ng 10,000 pag-asa project.
Kasunod nito, pumalo sa higit 200 benepisyaryo ang nabigyan nila ng tulong.