Nanawagan sa sambayanan si House Speaker Allan Peter Cayetano na isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan upang sama samang hubugin ang isang masaganang henerasyon.
Si Cayetano ang siyang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Cayetano, hindi nangimi noon ang ating mga bayani na isakripisyo maging ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan na siyang tinatamasa natin ngayon.
“This administration and President Duterte’s firm commitment to create an environment where every Filipino regardless of what ethnicity, political affiliation, religious belief, educational attainment, or financial capability, can be a hero on his own right. Re affirm this commitment for a safe and comfortable life for all and re affirm this commitment that the government will do everything that we may all live under the rule of law”. — Pahayag ni House Speaker Allan Peter Cayetano.