Hindi otomatikong maaaprubahan ang prangkisa ng ABS-CBN kapag nagsagawa ng pagdinig ang Kamara hinggil sa nangyaring pagpapasara rito.
Nilinaw ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna na rin ng mga panawagang madaliin ng Kamara ang pagdinig sa prangkisa ng Kapamilya network.
Subalit tiniyak ni Cayetano na mabibigyan ng pagkakataon sa pagdinig ang ABS-CBN na maibigay ang kanilang panig gayundin ang panig ng mga tutol sa muling pagbubukas ng media giant.
Hindi aniya mabibigyan ng linaw ang mga usapin sa prangkisa ng ABS-CBN kung hindi magkakaroon ng serye ng mga pagdinig.