Pinagmumuni-muni ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pamunuan ng ABS-CBN sa gitna ng namemeligrong prangkisa nito.
Ayon kay Cayetano, dapat ay mag-isip ang Lopez-led broadcast corporation
Kung bakit umabot sa ganito ang kanilang sitwasyon at alamin ang tunay nilang papel sa “nation building”.
Ani Cayetano maging ang ibang institusyon ng gobyerno kabilang na ang pinamumunuan niyang Kamara ay tinitingnan ang kanilang sarili kung papaanong makapaglilingkod ng maayos sa Diyos at sambayanang Filipino.
Kasabay nito, tiniyak ni Cayetano na batay sa saligang batas ang magiging kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN.
Pinag-aaralan umano ng mababang kapulungan ang legislative franchise ng network dahil isa aniya ito sa mga isyu kung saan marami ang maaapektuhan kung ano man ang resultang kalalabasan nito.