Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sapat na ang notice ng committee on legislative franchises sa National Telecommunications Commission (NTC) para magpatuloy ang operasyon nito habang dinidinig ang renewal ng prangkisa nito.
Ayon kay Cayetano, hindi na kinakailangan pa na mag – apruba sila ng concurrent resolution na magbibigay ng abiso sa NTC na sinisimulan na nila ang proseso ng franchise resolution para mag isyu naman ito ng provisional authority ang ABS – CBN kapag napaso na ang prangkisa nito sa Mayo.
Samantala, binigyang diin ni Cayetano na papanindigan nila ang pangakong hindi ipasasara ang network.
Katwiran ng lider ng Kamara, kung sa simula palang ay ayaw na nilang i – renew ang prangkisa ng ABS – CBN ay dapat ay hindi na nila sinimulan pa ang proceedings nito at kaagad na ibinasura ang naturang panukalang batas.