Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs na kumikilos ang pamahalaan para resolbahin ang usapin sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng ulat na paglalagay ng anti ship cruise missiles at surface to air missile system ng China sa tatlong bahura na bahagi ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, meron na silang isinagawang diplomatic actions sa usapin.
Binuweltahan din ni Cayetano ang mga kritiko ng administrasyong Duterte na nagsabing walang ginagawa ang pamahalaan sa usapin.
Paglilinaw ng kalihim, hindi porket tahimik ang pamalaan sa usapin ay hindi na sila kumikilos para resolbahin ito.
Dagdag pa ni Cayetano, bagama’t lubhang nakababahala ang panibagong aksyon ng China, kanyang iginiit na hindi lamang Pilipinas ang dapat makipag-usap sa China kundi maging ang ibang claimants at mga bansa sa rehiyon.