Binigyan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng kopya ng narco list ang CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Ayon sa Pangulo, ito ay para makatulong ang simbahan sa paglaban sa operasyon ng iligal na droga at mapigilan ang paglaganap nito.
Paliwanag ng Pangulo, kung nais ng simbahan na tulungan ang pamahalaan sa kampanya nito kontra iligal na droga ay dapat kinakausap nito ang mga nasa listahan para hikayatin na itigil na ang iligal na gawain.
Binigyang diin pa ng Pangulo na magiging malaking tulong ang nasabing hakbang upang mawakasan na ang problema ng iligal na droga sa bansa.