Gumagana na ang Communications Group na binuo ng CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines para makipag ugnayan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nakikipag ugnayan sa mga dating seminaristang miyembro ng gabinete ng Pangulo ang CBCP Communications Group.
Tinukoy ni villegas sina Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia at DILG Secretary Ismael Sueno.
Tiniyak ng Arsobispo na bukas rin sila na makipag diyalogo sa Malakanyang para pag usapan an gisyu ng extra judicial killings at death penalty.
Naniniwala si Villegas na ang problema ng droga sa bansa ay may mas malalim na pinaghuhugutan na dapat ring tignan ng pamahalaan.
By Len Aguirre
Photo Credit: CBCP News