Nilinaw ng simbahang katolika na wala silang intensyon na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas kasunod ng ipinalabas niyang pastoral letter kontra sa extra-judicial killings sa bansa.
Paliwanag ng Arzobispo, layon ng nasabing mensahe na hayaan ang publiko na gumawa ng paraan upang marinig ng malakaniyang ang kanilang saloobin kontra sa mga nangyayaring patayan.
Nanindigan si Villegas na mayroon pang mas malalim na suliranin ang pinaghuhugutan ng problema sa droga na dapat aniyang mas tutukan ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala