Binatikos ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang Kongreso dahil sa pagpasa nito sa panukalang diborsyo.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Exec/Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, isang uri aniya ng pagta-traydor ng mga Kongresista sa kanilang mandato ang nasabing panukala.
Maituturing din aniya iyong Anti-Marriage at Anti – Family dahil sa malinaw na layunin ng nasabing panukalang batas na gawing ligal ang paghihiwalay ng mag-asawa.
Sa ilalim ng nasabing panukala, papayagan ang pahihiwalay ng mag-asawa dahil sa ilang dahilan tulad ng pambubugbog, pagpilit sa asawa na palitan ang kaniyang relihiyon o pananaw sa pulitika at pagkalulong sa alak at iligal na droga.
Pinapayagan din sa nasabing panukala ang mag-asawa na maghain ng absolute divorce kung hindi na sila nagsasama sa loob ng limang taon o higit pa.
Posted by: Robert Eugenio