Ikinatuwa ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang alok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gawing isa sa lugar na pagbabakunahan kontra COVID-19 ang mga simbahan lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa.
Ayon kay Duque, malaking tulong ang alok na ito ni CBCP President at Davao City Archbishop Romulo Valles bilang alternatibo lalo na sa mga mahihirap na marating na lugar.
Dagdag pa ni Duque, kailangan ng gobyerno ang tulong ng buong sambayanan sa bakuna program kontra COVID-19 dahil hindi ito kaya mag-isa ng pamahalaan. —sa panulat ni Agustina Nolasco