Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na iprisinta sa senado ang mga pulis na humingi umano ng proteskyon sa simbahan at umaming sangkot sa EJK’s o extra-judicial killings.
Ayon kay Dela Rosa, ito’y para patunayan ang pahayag ng mga nagpakilalang pulis at malaman ang kredibilidad ng mga ito
Inahalimbawa ni Bato si PO1 Vincent Tacorda na nagsabing may state sponsored killings pero kalaunan ay binawi rin ang kanyang pahayag.
Pakiusap ni Dela Rosa sa CBCP, huwag mag-fishing expedition para lang makakuha ng testigo sa EJK.