Nagdadalamhati subalit nananatiling matatag, hindi patatalo at mananahimik ang Simbahang Katolika.
Ito ang reaksyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines makaraang aprubahan sa mababang kapulungan ng kongreso sa botong 216-54 ang House Bill 4727 na bubuhay sa death penalty.
Ayon kay CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pinahihintulutan na ng Kongreso ang gobyerno na pumatay dahil sa pagbibigay ng pag-apruba sa panukala.
Dapat anyang ipagpatuloy ng mga mananampalataya ang paglaban sa parusang kamatayan sa gitna ng panahon ng kuwaresma.
By: Drew Nacino