Hindi tatanggap ng mga donasyon mula sa mga politiko at may mga negosyo na sangkot sa “destructive industries” ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Ito ang inanunsyo ni CBCP president at Caloocan bishop Pablo Virgilio David kung saan kabilang aniya sa naturang industriya ang mga proyekto ng karbon at fossil, gas, pagtotroso at pagmimina.
Aniya, nais nilang makakita ng kandidatong magbibigay pansin sa kapaligiran kahit na sinabi rin ng grupo na hindi sila mag-eendorso ng sinumang tatakbo sa eleksyon.
Samantala, hinimok ni David ang publiko na maging mapagmatyag sa mga industriyang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources.