Hinihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katolikong mananampalataya na dasalin ang Hail Mary o Aba Ginoong Maria tuwing tanghali sa loob ng isang buwan simula ngayong araw.
Kasabay ito ng paggunita sa Solemnity of Assumption ngayong Agosto 15 hanggang sa Setyembre 15 na pagdiriwang naman ng Our Lady of Sorrows.
Ayon sa CBCP, ang araw-araw na pagbigkas ng 10 Aba Ginoong Maria ay paraan na rin ng pagdarasal ng mga Katoliko para sa kagalingan ng lahat ng mga apektado ng COVID-19.
Gayundin ay upang ipanalanging matapos na ang nararanasang pandemiya sa buong mundo.