Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na muling bumalik sa pisikal na pagsisimba sa loob ng simbahan.
Batay sa circular no. 22-36, na inilabas ni CBCP president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, unti-unti nang pinapayagan ang pagbabalik sa normal na pamumuhay ng publiko matapos ang matinding epekto ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa CBCP, mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols sa loob at labas ng simbahan upang maiwasan ang hawahan at muling pagsirit ng COVID-19.