Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang kontrobersyal na anti-terrorism bill.
Batay sa inilabas na pahayag ng CBCP Commitee on Ecclesial Communities, ang naturang panukala ay may mga nilalamang probisyon na lumalabag sa karapatan ng isang mamamayan.
Gaya umano ang paglabag rito sa privacy ng isang indibidwal dahil sa ibinibigay na karapatan sa mga militar o sinumang law enforcement agent na makinig o magbasa ng isang pribadong pag-uusap ng isang hinihinalang terorista.
Samantala, naniniwala rin ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na may mga probisyon sa panukala na labag sa konstitusyon.