Ikinalungkot ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa Divorce Bill.
Ayon kay Father Jerome Secillano, CBCP Public Affairs Executive Secretary, nakakalungkot na mas iprinayoridad ng mga mambabatas ang pagpasa nito sa kabila ng krisis na kinakakaharap ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Bukod kay Secillano, nagpahayag rin ng pagkadismaya si Retired Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa nasabing desisyon.
Giit ni bastes, ang Pilipinas ang tanging bansa na sumusunod sa batas ng Diyos kung saan hindi pinapayagan ang paghihiwalay ng mag-asawang kasal sa ilalim ng batas at simbahan.
Noong Martes nang aprubahan ng house panel ang panukalang pagsasalegal ng diborsyo sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico