Inirekomenda ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines si LTFRB Board Member Atty Aileen Lizada bilang susunod na ombudsman.
Sa ipinadalang sulat sa Korte Suprema, ipinahayag ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang pagsuporta kay Lizada para sa naturang posisyon.
Binigyang diin ni Valles na karapat dapat na maging ombudsman si Lizada dahil sa pagiging marangal at walang bahid na integridad nito.
Pinuri rin ng obispo ang labing dalawang taong serbisyo ni Lizada sa Office of the Ombudsman sa Mindanao kung saan naging matapang ito para labanan ang korupsyon.
Bukod kay Lizada, nominado rin para maging susunod na ombudsman si Associate Justice Teresita Leonardo De Castro.
Nakatakdang bakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kanyang pwesto sa Hulyo ngayong taon.