Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na ipagdasal at i-invoke ang intercession ng 4 na madreng kasapi ng Missionaries of Charity na pinatay sa Yemen.
Sinabi ng CBCP na walang kalaban – laban ang mga madre nang sila ay patayin habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Makakabuti, anila, na ipagdasal sina Sisters Anselm ng India, Margherite at Reginette mula sa Rwanda at Judith na mula sa Kenya.
Ayon sa CBCP, ang lahat ng pag – atake sa mga Kristiyano ng mga extremists ay dapat ikunsiderang genocide, dahil ang pag – atake dito ay nag-uugat sa galit sa relihiyon.
Ang missionaries of charity ay isang kongregasyon na binuo ni Blessed Mother Teresa ng Calcutta.
By Katrina Valle