Patuloy ang panawagan ng CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagtigil sa patayan kaugnay sa anti illegal drugs war ng gobyerno.
Binigyang diin ni Outgoing CBCP President Lingayen Dagupan archbishop Socrates Villegas na sa ngalan ng Panginoon at para sa kabutihan ng bayan ay dapat matigil na ang mga pagpatay at hustisya ng Diyos ang maipataw sa mga ito.
Sinabi ni Villegas na nagdadalamhati at nagagalit ang CBCP sa mga pagpatay partikular sa mga batang pinapaslang sa nasabing kampanya ng gobyerno.
Dahil dito isinusulong ng CBCP ang pangkalahatang pag aalay ng dasal para sa mga napapatay sa anti drugs war ng gobyerno gayundin para sa mga biktima ng karahasan at giyera sa Marawi City sa loob ng 40 araw simula September 23 hanggang November 1.
Kasabay nito ang pagpapatunog sa mga kampana ng mga simbahan bilang paggunita na rin sa kaluluwa ng mga sumakabilang buhay na.
SMW: RPE