Maglalabas ng anunsiyo sa katapusan ng Pebrero ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa nalalapit na pagdaraos ng 2022 National at Local Elections.
Ayon kay CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, pagsunod ito sa prosesong tinatawang na ‘collective discernment’ kasunod ng naging paninindigan ni Pope Francis sa synodality o ‘yung proseso ng fraternal collaboration.
Magkakaroon din ng focus discussion ang grupo kalahok ang lahat ng; bishops, miyembro ng religious congregations at lay leaders.