Maaari nang sunugin sa mga tahanan ang mga lumang palaspas na hindi magagawang dalhin sa simbahan bago ang Pebrero 17.
Ito’y ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ay bilang bahagi ng new normal na paggunita ng simbahan sa Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo.
Gayunman, sinabi ni CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano hindi basta-basta susunugin ang mga lumang palaspas dahil may sinusunod itong ritwal na kanilang ibabahagi sa website ng CBCP.
Paalala naman ng cbcp sa publiko na mahigpit pa ring sundin ang minimum health protocols sa paggunita ng Ash Wednesday dahil sa banta ng COVID-19.
Ito’y kahit pa pinayagan na ng pamahalaan ang limampung porsyentong kapasidad ang maaaring makadalo sa mga misa at pagdiriwang sa loob ng simbahan.