Pinagtibay pa ng CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines laban sa same sex marriage.
Ayon sa CBCP Episcopal commission on family and life, bubuo sila ng ministry sa bawat parokya na magpapaliwanag sa mga deboto na ang kasal ay para lamang pagitan ng babae at ng lalake at hindi sa pareho ng kasarian.
Gayunman, bibigyang diin rin umano sa mga pagpapaliwanag ang paggalang sa nararamdamang atraksyon ng isang babae o lalake sa kanilang pareho nila ng kasarian.
Mayroon anyang obligasyon ang bawat ministry na gabayan ang mga mayroong same sex attraction upang mapaglabanan ang kanilang kahinaan.
By: Len Aguirre