Hindi umano makaliligtas sa hukuman ng Panginoon ang mga mambabatas na bumotong maibalik ang death penalty sa bansa.
Iginiit ni CBCP National Secretariat for Social Action – Caritas Philippines Chairman, Caceres Archibishop Rolando Tria Tirona, hindi katanggap-tanggap ang pagpabor sa parusang kamatayan dahil kung tuluyang maibabalik ito sa bansa, maituturing na kumitil na rin ang mga mambabatas na bumoto pabor sa panukalang batas.
Ikinalungkot ni Archbishop Tirona na isinantabi ng mga kongresista ang kapakanan at dignidad ng taumbayan para lang sundin ang dikta ng kanilang boss.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco