Nanawagan sa mga katoliko ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na paigtingin ang pagsunod sa health protocols.
Sa gitna ito ng sunod-sunod na aktibidad na nakalinya ngayong Semana Santa.
Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, presidente rin ng CBCP, bagama’t gumaganda na ang lagay ng pandemya sa bansa ay hindi pa rin dapat magpakampante ang publiko.
Aniya, kailangan pa ring mahigpit na sundin ang palagiang pagsusuot ng face mask at social distancing sa mga aktibidad.
Inilabas na ni David ang pahayag kasunod ng sinabi ng sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng magdulot ng surge ng kaso ang ‘Pahalik’ ngayong Semana Santa. —sa panulat ni Abby Malanday