Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa mga Kristiyano na alalahanin ang tunay na diwa ng Pasko.
Aminado si CBCP Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano na nagiging materialistic at nahaluan na ng komersyalismo ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa buong mundo.
Gayunman, ipinaalala ni Secillano na ang Pasko ay para ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus na siya nating tagapagligtas.
Tayo bilang mga tao na namumuhay sa mundong ito hindi natin masyadong mawari o ma-realize ‘yan eh… kaya naka-focus tayo kung ano ‘yung materyal, kung ano ‘yung konkreto, kung ano ‘yung praktikal.
Hindi naman namin ipinagbabawal na mag-enjoy kayo, mag-party kayo, bumili kayo ng mga bagong kagamitan, kung ano-ano pa man.
Pero i-tone down lang at bigyan natin ng balance, ang ibig sabihin nito ay kung may panahon kayo para d’yan, kung may ginagastos kayo para d’yan, huwag niyo naman kakalimutan din ‘yung para sa mga kaluluwa, ‘yung espiritwal na pamumuhay natin.
So, kinakailangan din na meron tayong ginagawa para magkaroon tayo ng grow in our spiritual life.
Alalahanin ng tao na ‘di naman tayo nabubuhay sa tinapay lang, sa pisikal… materyal.
Nabubuhay tayo sa salita ng Diyos, nabubuhay tayo lalong lalo na sa maayos na pakikipag-ugnayan natin sa Panginoon.
Samantala, hangad ng simbahan na maipagdiwang ng mas makahulugan at malalim ng mga Pilipino ang Kapaskuhan.
Sana magkaroon din tayo ng kapayapaan.
Sana tayo bilang mga Pilipino magkaisa din para makuha natin, magampanan natin kung anong makabubuti para sa lahat.
Hindi tayo dapat na nagkakahiwa-hiwalay, magkakaiba man ang ating pananaw sa buhay at higit sa lahat, kung papaano tayo magkakamit ng kapayapaan at kagalakan.