Umapela ang maimpluwensyang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines sa mga awtoridad na muling pag-isipan ang desisyon nitong palayasin ng bansa si Sister Patricia Fox.
Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, ikinalulungkot nila ang naging desisyon ng Bureau of Immigration na kanselahin ang missionary visa ng naturang madre.
Bagama’t batid naman ng simbahan ang mga ligal na implikasyon ng pagpapaalis kay Sister Fox, naniniwala ang simbahan na ginagampanan lamang nito ang kaniyang misyon na magsilbi at panglingkuran ang publiko.
Umaasa sila na mabibigyan ng pagkakataon si Sister Fox na mailahad ang kaniyang panig sa isang masinsinang pag-uusap gayundin ang pagkakataong manatili pa ng matagal sa bansa.
Magugunitang kinansela ng gubyerno ang missionary visa ni Sister Fox makaraang mapatunayanng Malakaniyang na siya’y nakiki-alam sa mga usaping panloob ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsama sa mga political rally, bagay na una nang itinanggi ng madre.