Muling nagbabala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa publiko hinggil sa mga pekeng pari na mag-aalok ng serbisyong pagbendisyon sa mga puntod ngayong undas.
Ayon sa CBCP, kalimitang sinasamantala ng mga manloloko ang araw ng mga patay para makapag-ikot sa mga sementeryo at magpanggap na mga pari upang kumita ng pera.
Payo ng CBCP, busisiing mabuti ang mga pari sa pamamagitan ng pagtingin sa celebret na siyang nagsisilbing ID ng mga pari.
By Ralph Obina